Dental Hygienist na tinanggalan ng lisensiya, 2 yrs. pa bago makapag-apply ulit
- BULGAR

- Jul 25, 2019
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Isang taon na ang nakalipas matapos ipag-utos ng Professional Regulatory Board of Dentistry ang revocation ng aking Certificate of Registration bilang registered dental hygienist. Kailan kaya maaaring ma-reissue ang aking Certificate of Registration? — Noelle
Dear Noelle,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 23 ng Republic Act No. 9484 na mas kilala bilang “Philippine Dental Act of 2007” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
"Sec. 23. Reinstatement Reissuance or Replacement of Certificate of Registration and Professional Identification Card. – Two years after the date of revocation, the Board may, upon application and for reasons deemed proper and sufficient, reinstate any revoked certificate of registration and reissue a professional identification card; and in so doing, the Board may, in its discretion, exempt the applicant from taking another examination.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, matapos ang dalawang taon mula ng revocation ng inyong Certification of Registration, maaaring muling mag-issue ng Certificate of Registration ang Professional Regulatory Board of Dentistry kung sakaling kayo ay maghahain ng aplikasyon na may kaakibat na angkop na dahilan para sa reinstatement nito. Matapos ang nasabing aplikasyon, maaaring ma-reinstate ang inyong Certificate of Registration at maaari ring hindi na kayo pakuhanin ng panibagong eksaminasyon, sang-ayon sa diskresyon ng Professional Regulatory Board of Dentistry. Sa inyong sitwasyon, hindi pa kayo maaaring maghain ng aplikasyon upang ma-reissue ang inyong Certificate of Registration, dahil hindi pa natatapos ang dalawang taon magmula ng revocation nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments