Daniel, join sa nabiling lote… KATHRYN, MAGPAPATAYO NA NG DREAMHOUSE

Nitz Miralles / BIDA

KAHIT “Soon!” lang ang caption ng mom ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo sa ipinost niyang picture, kung saan kasama niya ang mga anak, mister at si Daniel Padilla na nasa isang lote sila, alam agad ng mga nakakita sa picture kung ano ang gustong tukuyin ng mom ng aktres.
Sa lote palang ‘yun itatayo ang dream house ni Kathryn for her family kaya masaya ang kanyang fans na matutupad na ang pangarap ng aktres. ‘Katuwa ang fans ni Kathryn dahil kahit hindi sila members ng Bernardo family, masaya sila para rito.
Of course, kinilig din ang mga fans na makitang magkasama sina Kathryn at Daniel na madalang nilang makita ngayon dahil busy ang aktres sa promo ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye nila ni Alden Richards. Ang photo nina Kath at DJ ang patunay na all is well sa kanilang dalawa.





Comments