top of page
Pokwang.jpg

Dagdag-sahod para kina sir at ma’am, aprub na aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2019
1 min read

MULA nang doblehin ang suweldo ng mga sundalo at pulis, hindi nawalan ng pag-asa ang mga guro na sila na ang susunod.

Hanggang sa mabanggit ito ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

“To the teachers who toil and work tirelessly to educate our young, kasali na po dito ‘yung hinihingi ninyo… hindi masya­dong malaki pero, it will tide you over,” pahayag ng pangulo.

Hiniling ni Pangulong Duterte sa mga mambabatas na gawing prayoridad ngayong 18th Congress ang pagpasa ng panibagong Salary Standardization Law.

Kaya umaasa ang mga guro na agad tutugon ang mga kongresista at senador.

Ang pagiging guro ay tulad din ng ibang propesyon na ang puhunan ay dedikasyon.

Halos araw-araw na pag-aalay ng sarili para matuto ang mga estudyante. Hindi lang para makapasa at magkaroon sila ng magan­dang trabaho kundi para maging mas mabubuting tao.

Lagi nating sinasabing ang paaralan ang pangalawang tahanan at ang mga guro ang tumatayong pangalawang magulang, kaya marapat lamang na atin din itong patatagin.

Hindi natin sinasabing tapatan ng suweldo ang kanilang pagta­trabaho kundi suklian natin ang kanilang mga sakripisyo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page