Abot-kaya lalo na para sa mahihirap | DIVORCE BILL, BINUHAY

BINUBUHAY ngayon sa Kamara ang panukalang- batas na layong pahintulutan ang divorce sa bansa.
Napagtibay noon sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill 7303 ngunit, nabigong maaprubahan sa Senado kaya hindi ito umusad.
Ngayon ay inihain ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez ang House Bill 2263 o ang re-filed na Absolute Divorce Bill.
Ipinatitiyak sa panukala na ang paggawad ng absolute divorce ay magiging abot-kaya lalo na para sa mga mahihirap na magpepetisyon.
Mayroong tinatawag na mandatory cooling-off period sa loob ng anim na buwan at sa panahon na iyon ay hindi muna pasisimulan ng korte ang paglilitis at susubukan na magkasundo ang mag-asawa.
Kasabay nito, muli ring inihain ni Alvarez ang Civil Partnership Bill o House Bill 2264 na nagbibigay ng karapatan at patas na proteksiyon ng batas para sa malayang pakikipagrelasyon sa katulad o magkaibang kasarian.





Comments