Tulak timbog sa P3.4 milyong shabu
- Maeng Santos
- Jul 24, 2019
- 1 min read

NASA P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isa umanong notoryus na tulak ng iligal na droga na naaresto sa buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Unotan RV Barambangan, ng Bagong Silang.
Alas-12:30 ng hapon nang isagawa ng PDEA RO 4A (RSET at Quezon) at PDEA-BARMM sa pangunguna ni IA3 Christopher Basilio sa koordinasyon sa Caloocan Police Community Precinct 3 na pinamumunuan ni Maj. Raymond Nicolas ang buy-bust operation sa harap ng isang restoran na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang limang piraso ng plastic bags ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 500 gramo at tinatayang nasa P3,400,000 ang halaga at dalawang P500 na ginamit bilang boodle buy-bust money.





Comments