SK chairman niratrat, todas

PATAY matapos pagbabarilin ang 25-anyos na SK chairman sa Bgy. Ibaugan, Daraga, Albay.
Dead-on-the-spot si Jane Nuñez Moneda, sanhi ng apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Ayon kay Police Major Malou Calubaquib, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa tapat ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng isa sa apat na lalaki na pawang lulan ng dalawang motorsiklo, pasado alas-3:00 ng hapon.
Isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen ay love triangle.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.





Comments