top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagiging jologs, dinala pa raw abroad… NETIZEN KAY ALEX: JEJEMON KA, MAG-SUICIDE KA NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MUKHANG sumosobra naman ang ilang bashers sa pag-atake sa ilang celebrities. Isa na rito ang naranasan ni Alex Gonzaga sa kamay ng isang netizen na pinadalhan pa siya ng personal message kung saan sinabihan siyang “mag-suicide.”

Mensahe ng basher: “Please commit suicide, Alex Gonzaga. Jejemon ka. I saw you in SF once. Sarap sampalin sa Union Square. Ang kajejemonan, nadala pa sa America. Feeling ko ‘di ka napalaki nang maayos.”

Ipinost ito ni Alex sa kanyang Twitter account at sinabing, “Kahit ang formal pa ng pagkakasabi mo, sorry but YOU DO NOTE. Kakasabi ko pa lang naman na maBUHAY mga JEJE, eh.”

Marami tuloy mga netizens ang nagtanggol sa TV host-vlogger at na­galit sa basher.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

Triggered ako and I will not let this pass! Netizens, here’s the e-mail address of this horrible person. You have one job to do, netizens!!!! Our girl doesn’t deserve any of this hate! Let the haters rot in hell. Go! Bish, don’t us!”

“Hindi ba’t siya ang hindi napalaki nang maa­yos? ‘Yung sabihan mo ang isang tao na commit suicide? Teka lang naman. Sa­na, nakikita ng magulang mo ang mga sinasabi mo para malaman nila na sila ‘yung hindi nakapagpalaki ng isang mabuting tao. Basura ka.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page