Matapos ihirit ni P-Digong sa SONA | BALIK-BITAY, APRUB DIN SA PNP

APRUBADO umano sa Philippine National Police (PNP) ang panunumbalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ito’y matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na nais niyang magkaroon ng parusang bitay para sa bigtime drug traffickers at plunderers.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, susunod sila sa nais ng pangulo dahil naniniwala silang “game changer” ang nasabing parusa sa pagpapababa ng krimen.
Paliwanag ni Albayalde, sa loob nang tatlong taon, marami ng nagawa ang PNP sa kampanya laban sa iligal na droga at malaki ang maitutulong nito kapag naipatupad na ang batas.
Nilinaw naman ng hepe ng PNP na depende na sa appreciation ng Kongreso kung paano ipatutupad ng batas. Bago ang SONA, matatandaang, sinabi ng heneral na dapat munang pag-aralang maigi ang death penalty at ayusin ang criminal justice system sa bansa bago ito maisakatuparan.





Comments