GF na libangan lang ng lalaki

Dear Roma,
Ako si Gracie, may boyfriend akong palagi na lang walang time para sa akin, pero kapag kailangan niya ako, gusto niya lahat ng naka-schedule kong appointments ay ika-cancel ko, samantalang, kailangan lang pala niya ako dahil bored siya at gustong maglibang. Pero, kapag ako ang nangailangan sa kanya, sinasabi niyang busy siya, hindi niya alam, nababalitaan ko sa mga barkada niyang nag-iinuman, nagsusugal o kaya ay gigimik lang sila. Sa totoo lang, nasasaktan na ako sa ginagawa ng BF ko sa akin. Tama pa ba ito? — Gracie
Gracie,
Naku, besh, ang ganyang klaseng relasyon kung saan hindi mo nakikita o nararamdamang mahalaga ka sa taong mahal mo, eh, talagang nakaka-toxic. Hindi deserve ninuman na maging libangan lang ng ibang tao kahit pa sabihin mong BF o asawa mo na siya. Hindi ka niya naging girlfriend para may mag-entertain sa kanya tuwing bored siya. Makabubuting komprontahin mo na siya habang maaga pa. Kung hindi niya matanggap ang pagkakamali niya, tapusin mo na ang relasyon ninyong dalawa. Sa ganitong paraan, baka sakaling makita at ma-realize niya ang halaga mo. Masakit man ang maging resulta, at least, hindi ka na mahihirapan pa.
God bless!





Comments