Gerald, inagaw daw kay Bea… MADLANG PIPOL KAY JULIA: AHAS!


GRABE naman ang pamba-bash ngayon kay Julia Barretto dahil lang sa nababalitang closeness nila ni Gerald Anderson na nakapareha niya sa pelikulang Between Maybes.
Karamihan daw sa mga bashers ay mga fans ni Bea Alonzo na GF ni Gerald. May ilang nag-post pa sa social media ng larawan ni Julia na mala-Valentina dahil ginawang ahas ang buhok. Simbolo raw ito na inahas ng young actress ang aktor kay Bea.
At dahil nanay na nasasaktan para sa anak, nagpahayag si Marjorie Barretto na gagawan ng aksiyon at haharapin ang mga bashers na naninira sa kanyang anak. Itinanggi rin ni Marjorie na may relasyon sina Julia at Gerald dahil magkaibigan lang daw ang dalawa.
Pero ang siste, iba naman ang sinasabi ng kampo ni Bea. May hugot ang mga posts nito sa social media kaya mukhang may problema nga ang relasyon nila ni Gerald.
‘Di ba’t nangyari na rin ang ganitong senaryo nang magkatambal noon sa pelikula sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Gerald? Parehong na-attract sila sa isa’t isa at nagkaroon ng short-lived romance kahit todo ang kanilang pagdi-deny.
Hindi na bago ang pagkaka-link ni Gerald sa kanyang mga nakakapareha sa pelikula. Guwapo at malakas ang sex appeal niya kaya attracted sa kanya ang mga nagiging leading ladies niya.





Comments