Birthday girl, pinilahan ng 3
- Jeff Tumbado
- Jul 24, 2019
- 1 min read

TATLONG lalaki ang dinakip matapos umanong gahasain ang 15-anyos na dalagita sa mismong kaarawan nito sa Puerto Princesa City, Palawan.
Hindi na nakapalag ang mga suspek na sina Jaime Manaa Bonghanoy, Jr., 18; Kyle Padong, 18, kapwa constructions workers at ang mangingisdang si Ronald Andales, 22.
Batay sa report ng Puerto Princesa City Police, ginahasa umano ng tatlong suspek ang menor-de-edad nitong Lunes ng madaling-araw habang ipinagdiriwang nito ang kanyang ika-15 kaarawan.
Bago ang insidente, nagtungo umano ang biktima sa bahay ni Andales para magpahinga at makitulog makaraan ang mahabang oras ng inuman nila sa isang beach sa Bgy. Cabayugan na nag-umpisa ng Linggo ng gabi.
Kasama umano ng biktima ang isa nitong kaibigan na tinukoy lamang sa alyas Ariel nang magtungo sa bahay ni Andales kung saan naroroon din sina Bonghanoy at Padong.
Nakaidlip umano si Ariel at nang magising ay dito na nasaksihan ang panggagahasa ng tatlo sa kanyang kaibigan na agad isinuplong sa pulisya kasama ang ina ng biktima kinaumagahan.





Comments