12 REBELDE SUMURENDER SA ARMY
SOUTH COTABATO—12 miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine Army (PA) kamakalawa sa bayan ng Surallah sa lalawigang ito.
Para sa kanilang seguridad ay hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.
Ayon sa mga sumukong rebelde, nagsawa na umano sila sa matagal na pakikipaglaban sa pamahalaan kaya nagkaisa silang sumuko sa mga awtoridad.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.





Comments