WORLD RECORD ATTEMPT NG GO-FOR-GOLD UULITIN SA 2020


PAGBAWI sa susunod na taon ang pakay ng Go-For-Gold Philippines matapos na hindi magawang makawasak ng world records ng pinakamaraming tao na nagdribol sa Guiness World Records noong Linggo sa MOA Concert Grounds, Pasay City.
“Hindi nagpapatalo ang Pilipino. Uulitin natin ito hanggang makuha natin,’’ ayon kay Go-For-Gold godfather Jeremy Go makaraang hindi maabot ang target na bilang ng record.
Sinabi ni Go na may 4,000 dribblers lamang ang nakalahok sa event bilang chief supporting sports development na nagkaloob ng libreng sports equipment sa mga eskuwelahan hanggang barangay.
“Those 4,000 people will bring those balls sa mga bahay at barangays nila at hindi lang isang tao ang makikinabang d’yan. Hopefully after this, more people will play the game,’’ dagdag ni Go. “We still achieved our goal,’’ saad niya bilang vice president for marketing of Powerball Marketing & Logistics Corporation, ang umaayuda sa mga Go For Gold project.
May halos 200 na national athletes ng triathlon, skateboarding, sepak takraw, wrestling, cycling, volleyball, basketball, chess, canoe-kayak at dragonboat ang dumating at sumuporta sa record-shattering attempt, bilang bahagi ng drumbeating ng bansa sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.
Buong puwersa na lumahok ang Armed Forces of the Philippines, lalo na ang Philippine Navy at Philippine Air Force, kasama ang Philippine National Police sa event. (MC)





Comments