Type nilang bilhin, depende sa expression ng mukha... MGA ASO, PUWEDE NANG MAG-ONLINE SHOPPING


Para sa mga pet owner diyan, nakadi-disappoint na hindi magustuhan ng mga alaga natin ang binili nating treats o laruan para sa kanila. Pero, puwede na itong maiwasan ngayon dahil alam ba ninyo na keri nang mag-online shopping ang mga alaga nating hayop? Weh, ‘di nga?
Dahil sa patuloy na pagbabago ng teknolohiya, pinagsama ng Brazilian pet shop chain na Petz ang face recognition at artificial intelligence (AI) para makapag-shopping ang mga aso sa pamamagitan ng kanilang facial expressions.
Para ma-pick-up ng AI ang lahat ng detalye sa mukha ng aso, ipinakita rito ang maraming picture ng iba’t ibang breed ng mga aso, gayundin, ang iba’t ibang ekspresyon ng mga ito.
Upang gamitin ito, kailangan ng pet owner ng computer, tablet o smartphone para makapag-login sa website ng Pet-Commerce at itatapat ang device sa mukha ng aso para maanalisa ng AI ang reaksiyon nito.
Habang nagba-browse sa mga produktong nasa Pet-Commerce, magpe-play ang video para makuha ang atensiyon ng aso.
Ang video ay sinadyang gawing kulay dilaw at asul dahil ayon sa mga eksperto, ito ang mga kulay na nakikita ng mga aso.
Pagkatapos nito, mapi-pick-up ng facial recognition technology ang reaksiyon ng mga aso at ire-rate ng AI ang interes ng mga ito mula sa red bone na nagsasabing, may mababang interes sa product hanggang sa green bone na nangangahulugang may mataas na interes dito.
Kapag na-detect ang interes sa produkto, awtomatikong malalagay sa shopping cart ang naturang produkto at pagkatapos mag-shopping ay puwede nang tapusin ang transaksiyon sa pamamagitan ng pag-fill-up ng personal na impormasyon.
Oh, mga besh, siguradong hindi na tatanggi ang furbaby ninyo sa treats at toys dahil sila ang namili ng mga ‘yun.
Kaya, mga bro at sis, para sure na hindi tatanggi ang mga alaga ninyong aso, try n’yo na ‘to!
Copy?





Comments