top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tanod, nagbabahay-bahay para magnakaw

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 23, 2019
1 min read

NAKATANGGAP ng liham-reklamo ang inyong lingkod mula sa mga residente ng Sampaloc, Manila na isang kayumangging lalaki ang gumagala at nagpapanggap na barangay tanod, pero ang modus nito ay magnakaw ng mga gadgets at alahas sa mga pinapasukan nitong bahay.

Ayon sa reklamo ng mga biktima, nagkukunwari ang animal na ito na iinspeksiyunin ang kursunadang bahay at aakusahang may nagtatago raw taong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot na para lalong mapaniwala ang biktima ay sasabihan ng animal na ito na nasa narcolist daw ng PDEA ang kanyang hinahanap na tao kahit wala naman.

Kita n’yo, rito pa lang ay ginagamit na ng demonyong ito ang “narcolist” para makapagnakaw. Pwe!

Dahil sa reklamo ng mga biktima, agad nagtalaga ang kapulisan ng Manila Police District (MPD)-Stn. 4 upang mahuli ang nagpapanggap na barangay tanod at sa pakikipag-coordinate ng mga residente sa lugar ay nasakote ang isang alyas Joaquin Pablito Capulong na positibo namang kinilala ng (mga) biktima nang magkita sila sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa kapulisan, sasampahan ng trespassing, robbery at usurpation of authority ang suspek matapos mabawi rito ang mga gadget, cash at iba pang importanteng gamit ng mga biktima.

Mga ka-BULGAR, sakaling may mga taong nagpapakilalang pulis, barangay tanod, Meralco personnel, MWSS na meter reader, insurance agent at kung anu-ano pa, ‘wag kayong basta magtitiwala dahil naglipana ngayon ang mga huwad o pekeng tao na nagpapanggap para kayo ay nakawan at perhuwisyuhin.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page