top of page
Pokwang.jpg

Sa pagbubukas ng 18th Congress | SOTTO SA SENADO, CAYETANO SA KAMARA

Lourdes Abenales / Jeff Tumbado
Jul 23, 2019
1 min read

SA pagbubukas ng 18th Congress, reelected si Senator Vicente ‘Tito’ Sotto III, bilang Senate President habang Speaker of the House of Representatives naman si Taguig Congressman Alan Peter Cayetano.

Si Sen. Migs Zubiri ang unang nag-nominate kay Sotto at wala nang ibang nai-nominate, kaya agad nagbotohan. Mayorya sa mga senador ang bumoto kay Sotto via viva voce.

Habang tatlong senador ang nag-abstain na kinabibilangan nina Senators Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.

Agad namang nanumpa sa puwesto si Sotto na kasama ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa at kanilang mga anak.

Samantala, sa botong 266 pormal nang naideklarang House Speaker si Cayetano.

Mismong si Davao Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte ang unang tinawag at tumayo sa plenaryo upang mag-nominate kay Cayetano bagaman, inihayag nito na tutol siya sa term-sharing.

Manunungkulan si Cayetano sa loob ng 15 buwan bilang Speaker.

Ang naging kaisa-isang katunggali naman ni Cayetano sa Speakership na si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante na isa rin sa nag-nominate kay Cayetano ang inihalal na House Minority Floor Leader na nakakuha ng 29 boto. Si Romualdez naman ang tatayong majority floor leader.

Dalawang kongresista naman na sina Buhay Partylist Rep. Lito Atienza at Albay Rep. Edcel Lagman ang nag-abstain o hindi bumoto. Sa 306 representante, 297 ang lumahok kahapon sa pagbubukas ng 18th Congress.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page