Magnanakaw ibinigti sa tulay, pinagbabaril, todas

PATAY ang 41-anyos na lalaki na umano’y miyembro ng grupo ng mga magnanakaw nang barilin saka ibinitin ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Talisay City, Cebu.
Lunes ng umaga nang matagpuan ang nakalambiting katawan ng biktima na nakilalang si Reynante Otero sa Mananga Bridge sa Bgy. San Isidro habang nakatali sa kanyang leeg ang lubid habang nakatakip ng damit ang mukha.
Nakagapos naman ang mga kamay sa likod ng biktima gamit ang sinturon.
Ayon kay Police Captain Nazareno Emia, nakitaan din ang bangkay ni Otero, ng ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Isang karton naman ang nakalagay sa labi ni Otero na may mga katagang, “Huwag ninyo akong gayahin, kawatan ako”.
Bago nadiskubre ang bangkay ng biktima, alas-3:00 ng madaling-araw nang ilang mga residente ang nakarinig ng tatlong malalakas na putok ng baril.
Hinihinalang pinagbabaril ang biktima habang ito ay nakabitin sa nabanggit na tulay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.





Comments