top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gas station hinoldap ng riding-in-tandem | SEKYU AT CASHIER BINARIL SA ULO

  • Jeff Tumbado
  • Jul 23, 2019
  • 1 min read

PATAY ang 22-anyos na security guard habang sugatan ang kahera nang holdapin ng riding-in-tandem ang binabantayang gasolinahan sa Bgy. Katipunan, Villanueva, Misamis Oriental, kamakalawa.

Natutulog ang biktimang si Dominico Servandel sa tabi ng pintuan ng cashier ng Phoenix refueling station nang dumating ang mga suspek na sina Reymark Pumatong, 27, at Bernie Doldol, 28, pasado alas-3:00 ng madaling-araw.

Batay sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Celimyr Daponlay, dali-daling kinuha ni Pumatong ang service firearm na shotgun ni Servandel habang ito ay tulog at agad ipinutok sa ulo nito. Matapos ang pamamaril sa sekyu, binasag naman ang salamin ng cashier at binaril din ni Pumatong ang apat na buwang buntis na si Rose Anne Gemino, 25.

Sugatan sa mukha si Gemino at agad na dinala sa Northern Mindanao Medical Center na patuloy na ginagamot. Tinangay ng mga suspek ang nasa P25,000 cash na kita ng gasolinahan.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, agad natukoy ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV footages na nakakabit sa paligid ng nasabing gasolinahan na kalaunan ay nadakip.

Napag-alaman na ang binaril na si Servandel at mga suspek ay kapwa magkakasama sa security agency at mga itinalagang guwardiya sa Lim Ket Kai and Sons Oil Manufacturing facility kung saan si Pumatong ang head guard.

Kasong robbery with homicide at frustrated homicide ang kinahaharap ng dalawa na nakapiit na sa himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page