ELECTRICIAN TEPOK SA KURYENTE
Pabs Hernandez III
Jul 23, 2019
1 min read
CAGAYAN—Isang electrician ang namatay nang makuryente, kamakalawa sa Bgy. Centro, Solana.
Ang biktima ay nakilalang si Jovanie Dayag, nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, kabilang umano si Dayag sa mga electrician na nagkakabit ng kable sa poste ng Cagayan Electric Cooperative nang mapahawak ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Dayag sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments