top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

DELTA, SUMAMPA SA TOP PLACE VS. TITAN SA NBL

  • Alvin Olivar
  • Jul 23, 2019
  • 1 min read

PINADAPA ng Pampanga Delta ang One Cainta Titan, 159-58, upang makasosyo sa unang puwesto ang Taguig Generals sa pagpapatuloy ng aksyon sa National Basketball League (NBL) Season 2 noong Linggo sa San Dionisio Gym sa Parañaque City.

Gumawa ng 26 points si Joseph Francisco habang 20 points naman ang itinala ni Jong Villarente upang pataubin ng Delta ang Titan. Lumamang ang Delta nang mahigit sa 106 points sa laro. Bumuslo rin ng 63 sa kanilang 110 tira ang Delta kasama na ang 14 tres sa laro.

Dahil sa panalo ay katabla na ngayon ng Delta ang Generals sa unang puwesto sa team standings na may 8-2 kartada.

Nakuha ng Parañaque Aces ang pangatlong puwesto sa team standings matapos ang 99-92 panalo laban sa Zambales Converge Fiber X Men para makuha ang kanilang pang-walong panalo sa 11 laro.

Nanaig ang Iriga City Oragons laban sa Dasmariñas Ballers, 81-76, para umakyat ang kanilang kartada sa 6-4. Nanguna para sa Oragons si Jester Olea matapos gumawa ng 17 points.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page