VICTORIOUS COLT, CHAMP SA 4-YO & ABOVE BRED
- Ding Taboy
- Jul 22, 2019
- 1 min read

ITINANGHAL na kampeon ang Victorious Colt sa katatapos na 2019 Philracom 4-Year Old & Above Locally Bred sa ginanap na karera sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.
Sa pagbukas ng starting gate, agad kinuha ng Lakan ang unahan habang nakasunod ang Pinagtipunan na kasunod ang Cerveza Rosas at Victorious Colt habang panghuli ang llamadong si Pangalusian Island.
Ngunit, nilagpasan ni Victorious Colt si Lakan pagdating sa huling 50 meters at dumating na pangatlo ang Disyembreasais. nag-uwi ng P300,000 ang kampeon na Victorious Colt habang P112,500 ang pumangalawang Lakan, pinagkalooban ng P62,500 ang dumating na pangatlo, ang Disyembreasais at naiuwi ang P25,000 ng pumang-apat na Cerveza Rosas.
Maganda ang naging laban sa katatapos na 4-Year- Old & Above Locally Bred nang biguin ang pangunguna ni Lakan na pinagwagian ng Victorious Colt. Samantala, nagwagi rin ang kabayong Daginding sa katatapos na Klub Don Juan de Manila Trophy Race nang pakainin ng alikabok ang mga kalaban. Itinanghal na panalo ang Helushka sa katatapos na Race 3 makaraang pangunahan ang anim na kalaban. Samantala, pinagwagian ng Count Me In ang Race 4 na sponsor ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).





Comments