Tulog-tulugan daw habang katabi si Miss U... HIRIT NG MGA NETIZENS: STYLE NI CHAVIT, PANG-MANYAK

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

IWINAGAYWAY ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang watawat ng Pilipinas noong inanunsiyong nagwagi si Manny Pacquiao laban sa boksingerong si Keith Thurman.
Maraming Pinoy ang natuwa nang makita nilang kasama si Catriona sa entourage ni Manny sa laban niya kasama ang misis niyang si Jinkee Pacquiao at si Chavit Singson. Lumipad pa raw kasi si Catriona mula sa New York papuntang Las Vegas para suportahan ang laban ng Pambansang Kamao.
Samantala, trending naman ang video ni Catriona kung saan makikitang nagse-cellphone at katabi si Chavit Singson na mukhang inaantok na at muntikan nang mapasandal kay Miss Universe 2018.
May ilang netizens ang namba-bash sa former Ilocos Sur governor at sinasabing ganito raw ang technique ng mga manyak sa public transportation para mapadikit sa babae.
“Ganitung-ganito ‘yung galawan ng mga manyak sa jeep,” hirit ng isang netizen.
May nagsasabi pang “hokage moves” daw ang antok-antukan ni Chavit na baka sakaling maka-score kay Catriona pero lumang style na.
Ipinaalala tuloy ng isang netizen na former martial artist at black belter si Catriona noong 12 years old pa lang ito kaya siguradong kaya niyang ipagtanggol ang sarili.
May ilang netizens naman ang nagtanggol kay Chavit at sinabing talagang antok at pagod lang ito dahil sa jetlag at sa kanyang edad.





Comments