top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa totoo lang daw, diring-diri sa ginawa… NADINE AT SAM, AMINADONG NAPILITAN LANG MAGING SWEET SA I

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2019
  • 2 min read

AMINADO sina Nadine Lustre at Sam Concepcion na parang incest ang pakiramdam nila sa mga sweet and intimate scenes nila together sa dance musical film nilang Indak.

Palibhasa nga kasi ay magkaibigan sila noon pa at maging ang boyfriend ni Nadine na si James Reid ay barkada rin ni Sam, kaya ayon sa singer-actor, parang kapatid talaga ang turing niya sa leading lady.

Pero sabi nga ni Nadine at the presscon, they had to do it at kailangan nilang maging professional.

“Like ‘yung sa Cebu namin, sabi ni direk, niloloko kami, nu’ng parang last scene na namin, tapos parang kaming dalawa, nagtitinginan kami, parang incest ang nangyari,” natatawang sabi ni Nadine.

“So, ‘yun, okay na­man po after the scene,” she added.

When asked kung wala bang dapat ipagse­los si James, natatawang sabi ni Nadine,“Wala po. Kahit po meron, hindi po magseselos ‘yun. Pa­rang mas okay na siya with Sam than iba.”

After two Best Actress (one in FAMAS and one in Gawad Urian) awards for the movie, Never Not Love You, may pressure ba ngayon sa kanya sa pelikulang ito?

“Honestly, I feel like kung lalagyan ko po siya ng pressure, baka lalo lang po akong mahira­pan. Kasi at the back of my head, kung iisipin ko lang na ‘Ah, kailangan kong i-please ‘tong mga taong ‘to, kaila­ngang mahigitan or at least, maka­pantay ‘yung mga pro­jects ko before,’ siyempre, mahirap din para sa akin that I always have that at the back of my head.

“So, as much as possible, katulad nitong Indak, kasi, siyempre, eto na ‘yung after nang i-announce ‘yung mga awards, enjoy lang. ‘Yun lang naman po ang importante. As long as you love what you’re doing, and alam mo ‘yun, hindi mo dina-doubt ‘yung work mo, ‘yun lang naman ang importante at the end of the day,” pahayag ni Nadine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page