top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Rider pumailalim sa nakaparadang trak

Mylene Alfonso
Jul 22, 2019
1 min read

SUGATAN ang isang rider makaraang pumailalim sa nasiraang cargo truck matapos mabangga ang nasiraang truck sa ibabaw ng Nagtahan Flyover, kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Dariel Boncalos, 25, sanhi ng mga sugat sa ulo, baba at katawan nang maipit sa ilalim ng trak, habang nakasakay pa sa kanyang motorsiklo.

Nabatid sa Manila Police District-Vehicle Traffic Investigation Section na bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Nagtahan Flyover kung saan nakaparada matapos masiraan ang cargo truck (HVR 571) na minamaneho ni Ruben Honrales.

Ani Honrales, biyaheng Tacloban, Leyte ang kanilang trak upang maghatid ng mga balikbayan box mula sa pier nang pagsapit nila sa ibabaw ng flyover ay nasiraan ang truck kaya napilitan silang itabi na lamang sa gilid.

Nagulat na lamang si Honrales nang sabihan sila ng ilang dumaang motorista habang kinukumpuni ang makina ng trak na may motorsiklong bumangga sa kanilang likuran, gayung naka-hazard sila at may inilagay na early warning device.

Naialis lamang ang biktima sa ilalim ng trak matapos gamitan ng hydraulic jack.

Inihayag naman ng rescue volunteer na si Leomar Villarosa na tila amoy alak ang rider na may malay naman habang nire-rescue ng mga awtoridad.

Nakasuot lang ang biktima ng nutshell helmet na karaniwang gamit ng siklista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page