Pulis binentahan 2 KULONG SA BALA AT SHABU

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado matapos magbenta ng bala ng baril sa pulis na nagpanggap na buyer sa Caloocan City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD)-District Special Operation Unit (DSOU) Head PLt. Melito Pabon ang mga naarestong suspek na sina Antoni Cuevas, 56, at Rowel Cangmaong, 29.
Ayon kay PCpl. Berzon Embile, alas-8:30 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU sa pangunguna ni PMSg. Joel Rosales at Caloocan Police na pinamumunuan ni P/Col. Noel Flores ang buy-bust operation kontra sa iligal na pagbebenta ng mga bala ng baril sa bahay ni Cangmaong sa Bgy. Maypajo.
Matapos iabot ng mga ito ang anim na piraso ng bala ng 12 gauge shotgun sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money, agad na lumapit ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang mga suspek. Kaugnay nito, narekober sa mga suspek ang buy-bust money at anim na sachets ng hinihinalang shabu na nasa P15,000 ang halaga.





Comments