Panalo ni Pacquiao, panalo ng 'Pinas - Palasyo

NAGPAABOT ng pagbati ang Palasyo kay Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao makaraang manalo sa laban kontra American boxer Kieth Thurman via split decision.
Batay sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao ay tagumpay ng buong bansa.
“The Palace is one in rejoicing with the Filipino people as the Pambansang Kamao once again puts the flag above the pedestal with his displace of tenacity and courage,” ani Panelo.
Bagama’t, mas bata ang kalaban, hindi umano nagpakita ng anumang senyales ng pagkatakot ang ating Pound-for-Pound King dahil batid na fighter ang mga Filipino.
Aniya, naging pagkakataon din ang laban ni Pacquiao upang pagkaisahin ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa naipamalas ulit nito ang kanyang angking athleticism, power at Filipino pride.
“At the start of the year, Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao made the whole country proud as he successfully defended his WBA welterweight belt over American Adrien Broner. Six months later, he doubled his feat as he defeated Kieth Thurman today via split decision, even knocking him down in the 1st round,” pahayag pa ni Panelo.
Nagpapasalamat aniya ang sambayanang Filipino dahil muling binigyan ng karangalan ni Pacquiao ang bandila ng Pilipinas.





Comments