NANLABANG TULAK TEPOK
Pabs Hernandez III
Jul 22, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Callos, Gapan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Joseph de Guzman, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si De Guzman, pero nanlaban ito at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments