Multicab sinalpok ng SUV, 3 dedbol

UTAS ang tatlo katao habang nasa malubha ang dalawang iba pa makaraang salpukin ng Sports Utility Vehicle (SUV) ang kanilang sinasakyang multicab sa General Maxilom Avenue, Cebu City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Raul Largado, 46; Carlo Gahator, 24, at isa pang pasahero na hindi pa natutukoy na pawang naipit sa loob ng sasakyan. Dinala naman sa ospital ang tatlong iba pang pasahero na nasa maselang kondisyon.
Ayon kay Police Master Sergeant Antonio Pizarras, nagpagewang-gewang ang Fortuner matapos itong mag-overtake sa isang sasakyan kung saan hindi na nagawang mabawi ang linya at tuluyang sumalpok sa sasakyan ng mga biktima na nasa kabilang lane.
May isa pang motorsiklo na tinamaan ang SUV na ikinasugat ng driver at angkas nito.
Agad ikinustodiya ang driver ng Fortuner na si Angelo Gurrea na nahaharap sa kaukulang kaso.





Comments