top of page

Minsan oks lang din daw maging corny, lodi! MGA BENEPISYO NG PAGKAIN NG MAIS, ALAMIN!

  • Ronalyn
  • Jul 22, 2019
  • 3 min read

ANG mais ay kilala bilang “maize” na may scientific name na zea mays. Ito ay isa sa pinka-popular na cereal grains sa buong mundo. Tipikal na dilaw ang kulay nito, ngunit, mayroon din tayong nakikitang kulay pula, orange, blue, white at minsan pa ay itim. Iba-iba man ang kulay, nagtataglay pa rin ng nakatatakam na sarap ang mga ito, lalo na ang popcorn o sweet corn.

Knows ba ninyo na napakaraming benepisyong maidudulot ang whole-grain corn? Ayon sa USDA National Nutrient Database, ang mais ay mayaman sa Vitamins A, B at E, gayundin, sagana ito sa fiber, mineral at antioxidants.

So, taralets at talakayin ang iba pang benepisyong dulot nito:

1. IMPROVES EYE HEALTH AND SKIN CARE. Ang dilaw na mais ay sagana sa beta-carotine na nagpaparami ng produksiyon ng Vitamin A sa katawan. Ito ay mahalaga para magkaroon ng maayos na paningin at kutis. Ayon sa pag-aaral na inilathala ng Science Journal, hindi lamang balat at mucuous membranes ang nabebenepisyuhan nito kundi maging ang pagpapalakas din ng immune system.

Ang macular degeneration at pagkakaroon ng katarata ay ang pinaka-popular na visual impairments at isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkabulag. Ayon sa mga doktor at ilang eksperto, kadalasang dahilan ng pagkakaroon nito ay ang katandaan, ngunit, makatutulong ang masusustansiyang pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon nito.

2. PREVENTS HEMORRHOIDS. Ang isang cup ng mais ay mayroong 18.4% fiber. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang digestive problems tulad ng constipation at hemorrhoids. Sa pamamagitan ng mga sustansiyang nakukuha sa pagkain ng mais, posible ring maiwasan ang colon cancer.

3. HELPS IN MAINTAINING NERVE FUNCTION. Ayon kay Meenakshi Nagdeve, health and wellness enthusiast, ang mais ay nagtataglay ng sandamakmak na Vitamin B tulad ng thiamin at niacin. Ang thiamin ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan at kaayusan ng nerve function.

4. PROVIDES ESSENTIAL MINERALS. Ang mais ay sagana sa iba’t ibang minerals na kailangan ng katawan. Sey ni Dr. Phil Warman ng Nova Scotia Agricultural College, Canada, mayroon itong phosphorus, magnesium, manganese, zinc, iron, copper at selenium. Ang phosphorus ay responsible sa bone health at kidney functioning habang ang magnesium ay kinakailangan ng katawan para mapanatili ang normal heart rate at upang madagdagan ang bone mineral.

5. PROTECTS YOUR HEART. Sa pananaliksik ni Dr. Robert Nicolosi ng University of Massachusetts, U.S, natuklasan ang katas ng mais ay nagtataglay ng anti-atherogenic effect sa lebel ng cholesterol sa katawan na nakatutulong para maiwasan ang cardiovascular diseases. Sa pag-intake ng katas ng mais, maaaring maiwasan ang pagbabara ng mga arteries o ugat dahil binabawasan nito ang produksiyon ng plasma at dahil dito, maiiwasan ang pagtaas ng presyon ng dugo, gayundin, ang stroke, heart attack at atherosclerosis.

6. PREVENTS ANEMIA. Dahil sagana sa vitamins at minerals ang mais, napag-alamang nakatutulong din ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng anemia. Mayroon din itong taglay na iron na kailangan sa pagbuo ng red blood cells. Ang iron deficiency ay isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagkakaroon ng anemia.

7. COSMETIC BENEFITS. Hindi lamang cells ng balat ang napagaganda ng mais kundi ginagamit din ito sa cosmetic products para sa skin rashes at irritation. Aprub na aprub ni Dr. Donald E. Barker, Department of Surgery, University of Tennessee College of Medicine ang paggawa ng mga cream gamit ang katas ng mais bilang cleanser ng balat at pantanggal ng wrinkles. Oh, ayan, mga tropa, now we know kung ano ang mga benepisyong makukuha natin sa pagkain ng mais! Kaya, kumain din ng mais paminsan-minsan, pero iwasan ang pagiging corny, okay? He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page