top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga 'sana' ngayong ikaapat na SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2019
  • 1 min read

SANA, bumaba na ang presyo ng mga bilihin.

Sana, mabawasan na ang singil sa gas at kuryente. Sana, bumalik na sa normal ang supply ng tubig. Sana, wala nang trapik.

Sana mawala o bumaba man lang ang kaso ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at iba pang mga krimen.

Ilan lamang ito sa napakaraming ‘sana’ ng mga Pinoy.

At ngayong ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito pa rin ang mga ‘sana’ ng taumbayan.

Bagama’t, hindi natin maitatanggi, marami namang pagbabagong nangyari. Kaliwa’t kanan ang mga proyektong nagawa at ginagawa na malaki ang maitutulong sa ating kabuhayan, sa daloy ng trapiko, kaayusan ng komunidad at sa kaunlaran ng bansa.

Kaya itong ating mga ‘sana’, kahit paano nasusundan na rin ng ibang tono ng ‘sana’.

Sana, magtuluy-tuloy ang magagandang progprama at proyekto. Sana, lalo pang magsipag ang mga opisyal, sana, marami pang korup ang masampulan, sana, sa susunod na SONA at mga sana, ramdam na ang kabuuang ginhawa.

Bilang mamamayan, responsibilidad din nating matupad ang mga ito.

Simulan natin sa sarili, sa pamilya at sa ating lugar.

Tama lang na maghangad tayo ng matinong gobyerno pero, maling iasa rito ang lahat, galawgalaw din!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page