Mga kontrabida sa Kongreso, naareglo na ni P-Digong
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read
SONA na ngayon.
Sa wakas, natapos na ang bangayan sa Kamara!
***
SISIMULAN na ni Rep. Alan Peter Cayetano ang unang araw bilang Speaker na tatagal ng 15 buwan.
Nauna nang inilatag ni Rep. Cayetano ang prayoridad sa 18th Congress matapos sumangguni sa mga gabinete!
***
NAKIPAG-MEETING na si Rep. Cayetano kina Finance Secretary Sonny Dominguez at DPWH Secretary Mark Villar na ginanap sa Clark, Pampanga.
Tatalakayin agad ang tax reform packages para sa mga negosyo at insentibo para sa mga foreign investor!
***
SIMPLE na lang ang real estate tax at proseso sa income tax ng mamamayan.
Pabibilisan ang implementasyon ng mga imprastruktura!
***
KAILANGANG mailusot agad ang mahahalagang batas sa loob ng unang 15 buwan ng 18th Congress.
Matapos ito, uupo namang Speaker si Rep. Lord Allan Velasco sa nalalabing 21 buwan!
***
KUMBAGA, kailangang maitindig ni Rep. Cayetano ang pundasyon sa paggawa ng mga batas sa loob ng 15 buwan.
Ito ay upang mapatatag ang administrasyong Duterte bago maisalin ang liderato kay Rep. Velasco!
***
MAGBUBUKAS ang Kongreso nang walang naririnig na balitaktakan.
Naareglo na ni P-Digong ang mga protagonist!
***
ANG solidong Kongreso ay babala sa mga kritiko ni P-Digong, partikular ang mga dayuhang nagtatangkang agawin ang poder sa pangulo.
Isang babala ito sa mga dayuhan na mahihirapan silang pabagsakin si P-Duterte, lalo pa’t solido ang Kongreso sa kanyang likuran!
ISASABATAS na ang dagdag-buwis para sa mga alcoholic drink tulad ng beer.
Ito ay upang mapalaki ang badyet para sa Universal Health Care!
***
NAKATAKDA ring amyendahan ang Public Service Act, Retail Trade Act at Foreign Investments Act.
Nalipasan kasi ito ng panahon at hindi na angkop sa panahon ng mga millennial!





Comments