Mag-asawa, 4 pa timbog sa droga
- Maeng Santos
- Jul 22, 2019
- 1 min read

ANIM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang mag-asawang listed/pusher ang arestado sa buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gases, ala-1:30 ng madaling-araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr., sa koordinasyon sa PDEA ang buy-bust operation kontra sa mag-asawang Reynaldo Alibanon alyas Loloy, 49, at Ma. Victoria Alibanon, 40, sa kanilang bahay sa Gen. T. De Leon.
Agad dinamba ang mag-asawa matapos magbenta ng sachet ng shabu kay PSSg. Carpio na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money, kasama sina Virgilio Santos alyas Belong, 50, listed/user; Bienvenido Montejo, 47, street sweeper; Roger Lopez, 38, at Yanci Malinosque, 39.
Nakumpiska sa mga suspek ang walong sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, P400 bills at green coin purse.





Comments