Kung ang girl, todo-post sa socmed… BENJAMIN, 'DI PROUD SA MODEL NA IPINALIT KAY JULIE ANNE
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NASA Guam o baka nakabalik na si Benjamin Alves at ang rumored GF niyang si Chelsea Robato para dumalo sa 75th Liberation Day ng nasabing bansa.
Parehong born in Guam ang dalawa, magkaibigan na noon pa at ngayon, nagkainlaban. Si Chelsea na raw ang ipinalit ni Benjamin kay Julie Anne San Jose.
Nagtataka lang ang mga followers ni Benjamin sa Instagram (IG) dahil hindi siya nagpo-post ng photos nila ni Chelsea, kaya ang mga litrato nila, sa IG ng model makikita.
Minsang nag-post ng picture si Benjamin noong birthday ni Chelsea, binura rin agad.
Itong biyahe nila sa Guam, photo lang ni Benjamin at ng mom niya ang kanyang ipinost.
Hindi naman siguro siya bina-bash dahil nakapag-move on na ang mga shippers nila ni Julie at hinayaan na silang dalawa sa kani-kanilang love life.
Ang mga bashers na lang ni Benjamin ngayon ay ang viewers ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Dahil sa Pag-ibig na galit sa karakter niyang si Eldon dahil sa panloloko kay Mariel (Sanya Lopez). Kaya tuwang-tuwa ang mga viewers nang sampalin ni Sanya nang 22 times si Benjamin na naging daan para mamaga at mamula ang kanyang pisngi.
Ngayong linggo, intense pa rin ang mga eksena na mapapanood dahil malalaman na ni Eldon kung saan nagtatago si Mariel at ang kanilang anak.





Comments