KITANG-KITA SA COMPUBOX, PACMAN, MAS LAMANG SA SOLIDONG SUNTOK

MAYAMAN sa karanasan at bangis pa rin ang gumana kay Manny Pacquiao upang paduguin ang ilong ni Keith Thurman sa bisa ng kanang upak sa 5th round at halos muling ikabagsak ni Keith ang pagkakaupak sa kanyang tiyan sa bisa ng left hook na una nang pinahilata sa 1st round ng nagagalit na Pinoy dahil sa kaangasan ng kasagupa.
Tumiklop ang mas batang si Thurman pagdating din ng 10th round. Bagama’t sa nakaraang 6 na buwan, matapos na makapagpainit sa laro si Thurman laban kay Josesito Lopez at pagwagian ng Kano ang korona, hinamon niya agad si Pacman at marami nang kayabangang sinasabi tulad ng pababagsakin daw niya sa una, ikalawa o bago pa man ang 7th rounds ang Pambansang Kamao sa sandaling magkaupakan sila.
“Even though Thurman lost, he did his best,” magandang komento pa rin ni Pacman sa panayam ng BoxingScene. “He’s not an easy opponent. He’s a good boxer, strong, and I think I’m just blessed tonight.”
Ayon sa unofficial statistics ng CompuBox, nakapagpadapo si Thurman ng kabuuang mga suntok na 210-of-571 kumpara sa 195-of-686 ni Pacman. Nakapagbilang pa ang CompuBox ng mas maraming power punches ni Thurman (192-of-443 kumpara sa 113-of-340, pero mas maraming jabs si Pacman, 82-of-346 kumpara kay Thurman na 18-of-128).
Ang kainaman lamang ay hindi nagreklamo si Thurman hinggil sa naging desisyon sa gitna ng post-fight interview ni Heidi Androl ng FOX. Pero, humiling ng rematch ang tubong Clearwater, Florida. “I knew it was too close,” saad ni Thurman. “You know, he got the knockdown, so he had momentum in round one. I wanna thank the fans, thank everyone for coming out. This was a beautiful night of boxing. Manny Pacquiao is a truly great, legendary champion. He got the victory over me. I wish I had a little bit more output, to go toe-to-toe. I felt like he was getting a little bit tired, but he did have experience in the ring. My conditioning, my output was just behind Manny Pacquiao. It was a great night of boxing. I would love the rematch. It is what it is, baby.”
Napanatili ni Pacman ang kanyang WBA Regular Welterweight crown sa bisa ng unanimous-decision victory kontra kay Adrien Broner noong Enero kaya naikasa siya sa laban sa MGM Grand kahapon.





Comments