top of page
Pokwang.jpg

BANGKAY NG LOLO LUMUTANG SA DAGAT

Pabs Hernandez III
Jul 22, 2019
1 min read

ILOCOS SUR—Isang bangkay ng 76-anyos na lolo ang natagpuang nakalutang sa dagat na sakop ng Vigan City sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Benjamin Alibin, residente ng Bgy. San Julian sa nasabing lungsod.

Nabatid na ini-report ng pamilya ni Alibin sa mga awtoridad na tinangay ng malakas na alon ang biktima habang nanghuhuli ito ng isda sa baybaying-dagat ng naturang lugar.

Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad hanggang sa matagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima sa dagat.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page