top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Thurman edad 30, Pacquiao 40 | PACMAN TAGILID

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2019
1 min read

ILANG supporters at analysts ang pinag-iingat si Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa magiging bakbakan kay Keith ‘One Time’ Thurman.

Kaugnay umano ito sa edad ni Thurman na 30 habang siya ang 40.

May ilang nagsasabi na bagama’t, hindi matatawaran ang karanasan at mga tagumpay ni Pacquiao sa larangan ng boksing, iba pa rin ang epekto ng kanyang edad bilang boksingero.

Kung mailalabas umano ni Thurman ang lakas nito tulad ng kanyang mga nakalipas na laban may dalawang taon na ang nakalilipas, wala aniyang pagkakataon si Pacquiao na manalo sa laban. Ilang Pinoy sa Las Vegas ang nakiisa para mag-alay ng maiksing panalangin para sa laban ni Senator Manny Pacquiao kontra kay Keith Thurman.

Isang religious leader mula sa Amerika ang nanguna para mag-pray over kay Pacman at sa pamilya nito.

Habang nasa Amerika, bahagi pa rin ng aktibidad ng senador ang Bible study. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page