top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sa loob ng isang linggo | 5,000 NADALE NG DENGUE

Madel Moratillo
Jul 21, 2019
1 min read

MAHIGIT 5 libong kaso ng dengue ang naitala ng De­partment of Health (DOH) sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa DOH, mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 6, nasa 5,744 dengue cases na ang naitala sa buong ban­sa.

Mas mataas ito ng 22% kumpara sa 4,703 kaso na naitala sa kahalintulad ng petsa noong nakaraang taon.

Dahil dito, umakyat na sa 115,986 ang den­gue cases na naitala ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 6.

Karamihan umano sa mga kaso ng sakit ay mula sa Region 6 na umabot na sa 5,826 kaso; sumunod ang Region 4A na may 12,780 kaso; Region 12 na may 9,572 kaso; Region 10 na umabot sa 9,354 kaso at Region 7 na may 9,259 cases.

Bumaba naman ang kaso ng sakit na naitala sa National Capital Region (NCR) na mula sa dating 8,603 noong 2018 ay naging 7,768 na la­mang ngayong 2019.

Pinakaapektado umano ng sakit ay ang nasa 5-9 years age group na 23% ng ka­bu­uang kaso, sumunod ang 10-14 years age group na nasa 19% naman.

Karamihan sa mga nabi­biktima ay mga lalaki o 52% ng kabuuang kaso habang 48% naman ang mga babae.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na mag-ingat para makaiwas sa dengue.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page