Misis at lover, huli sa akto

HULI sa akto ang isang misis kasama ang kalaguyo nito na nagtatalik sa Bgy. Kinalin Ilaya, Calauag, Quezon.
Pasado alas-4:00 ng umaga, nakita umano ng anak nitong lalaki ang kanyang inang si ‘Jen’, 32, kasama ang umano’y kalaguyo na si ‘Wil’, 38, ng Bgy. Mabini, Buenavista, Quezon, na naghahalikan.
Agad nitong ginising ang amang si ‘Nito’, 57, kung saan mahimbing naman ang pagkakatulog.
Nagtungo na lamang ang anak nila sa kanyang tiyuhing tserman at isinumbong ang kanyang nasaksihan.
Dali-dali nilang pinuntahan ang lugar kung saan nasa kalagitnaan pa ang dalawa ng pagtatalik. Inilawan pa nila ang dalawa kaya nagtatakbo ang mga ito palabas.





Comments