top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ipinakita sa mga klasmeyt | 15-ANYOS, NAHULIHAN NG BARIL

V. Reyes
Jul 21, 2019
1 min read

PATULOY na sinisi­ya­sat ang pagkakakumpiska ng baril mula sa 15-anyos na ba­baeng estudyante sa loob ng eskuwelahan sa Argao, Cebu.

Batay sa imbestigasyon, nasamsam sa dalagita ang kalibre .22 revolver na bitbit nito sa silid-aralan at ipinakita pa sa kanyang mga kaklase.

Ayon kay Police Maj. Ro­lan Aliser, isinailalim lang nila sa pagtatanong ang da­lagita saka dinala sa Depart­ment of Social Welfare and Development.

Sinabi umano ng estud­yante na pinagbilinan siya ng kanyang pamilya na dal­hin ang baril at itago sa ligtas na lugar.

Gayunman, naisipan niya itong dalhin sa paaralan at nang makita ng isang guro na hawak ng dalagita ang ba­ril ay agad siyang nagsum­bong sa mga awtoridad.

Inaalam na ng pulisya kung sino ang may-ari ng armas at kung may iba pang motibo sa pag-iingat ng da­lagita sa naturang armas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page