Guys, para laging cool at chill lang... tips para iwas-stress sa sermon nina ermat at erpat
- Justine Daguno
- Jul 21, 2019
- 1 min read

NARIRINDI na ba kayo mga beshy dahil paulit-ulit na lang ang mga pangaral nina itay at inay? Naku, hindi puwede ‘yan dahil ang mga pangaral na ito ay talagang makatutulong sa inyo, partikular sa mga millennial na gusto lang mag-enjoy sa buhay. Kaya alamin natin ang mga paraan para ma-handle ang mga ganitong sitwasyon:
1. UNDERSTAND. Bukod sa pakikinig, dapat marunong din tayong umunawa, lalo na kung medyo nagkakaedad na ang ating mga magulang, hindi dapat tayo palaging nangangatwiran kung wala namang punto ang sinasabi natin.
2. BE OPEN-MINDED. Of course, kung lalawakan mo ang iyong pag-iisip, mas maha-handle mo ang pagbubunganga nina itay at inay kung saan makikinig ka sa kanila at pag-iisipan mong mabuti ang mga sasabihin nila.
3. BE MATURED. Karamihan sa mga anak na palasagot, eh, nasa edad 15-20, kaya dapat sa tuwing pangangaralan kayo, huwag ninyong paiiralin ang pagiging isip-bata, ‘ika nga, mag-mature rin tayo ‘pag may time. Copy?
4. ALWAYS LOVED YOUR PARENTS. Kahit ano ang ipinakita nila sa atin na hindi maganda, palagi natin silang io-honor dahil sila ang naging daan kung bakit tayo nandito sa mundo, maging paulit-ulit o makalilimutin man sila, dapat maunawaan natin na parte ito ng pagtanda nila.
5. COUNT 1 TO 10. Bago ka mag-react o sumabog, magbilang ka muna ng isa hanggang sampu, lalo na kung may sasabihin ka nang sa gayun ay mapag-isipan mong mabuti kung tama o hindi ang sasabihin mo.
Ngayong alam na natin ang mga paraang ito, make sure na ia-apply ninyo.
‘Ika nga, lahat tayo ay hindi na pabata at araw-araw ay may pagbabagong magaganap.
Palaging maging handa at mag-adjust kung kinakailangan.
Gets mo?
Comments