Van, tricycle at kotse inararo | 4 TODAS SA BUS
- Levi Gonzales / Jeff Tumbado
- Jul 20, 2019
- 1 min read

TATLONG miyembro ng pamilya at kanilang driver ang patay matapos masalpok ang sinasakyan nilang van sa pampasaherong bus sa Bgy. Malay, Lopez, Quezon.
Dead-on-the-spot sina Raymundo Acebuche, asawa na si Maryjoy Claire, at 20-anyos na anak na si Racquel.
Nasawi rin ang driver ng sinasakyan nilang Toyota Hiace na si Paterno Carnate, Jr.
Nakaligtas naman ang dalawa pang anak ng mag-asawang Acebuche na sina Roselyn at Rafael at maging ang 9 na iba pa na dinala sa pinakamalapit na ospital.
Batay sa report, tinatahak ng P&O Transport Bus na minamaneho ni Marlon Ricon ang Maharlika Highway nang sumalpok ito sa van alas-11:55 ng gabi ng Huwebes.
Makaraang mabangga ang van ng Pamilya Acebuche ay nasapol din ng bus ang tricycle at kotse na nakaparada sa tabi ng national highway.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na si Ricon at nahaharap ito sa kaukulang kaso.





Comments