Sasakyan, lumipad mula 2nd flr. ng hotel

SUGATAN ang driver ng isang 4x4 Ford Ranger matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng parking area ng isang hotel sa Ortigas Center, Pasig City nitong Biyernes.
Ang biktima na kinilalang si Rocky Pagaragan Yabut, 30, ay naisugod sa Rizal Medical Center matapos magtamo ng bali sa kanyang braso at binti.
Sa ulat ng Eastern Police District, nangyari umano ang insidente alas-11:25 ng umaga habang nasa parking area ng The Malayan Plaza Hotel sa panulukan ng Topaz at Opal Roads sa Bgy. San Antonio ang sasakyan ng biktima.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa dahilan kung bakit nahulog mula ikalawang palapag ang nasabing sasakyan.





Comments