Manalo, matalo vs. Thurman | BILYON KAY PACQUIAO
- BULGAR

- Jul 20, 2019
- 1 min read

HALOS $20 milyon o isang bilyong piso ang umano’y siguradong maiuuwi ni Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa laban kay Keith Thurman.
Ito ay ayon kay Brian Mazique sa Forbes.
Samantala, nagpaabot ng ‘goodluck wish’ ang Malacañang sa nakatakdang laban ng senador bukas, Hulyo 21 sa Las Vegas, Nevada.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magaling din ang kalaban ni Pacquiao batay sa mga napanood nitong laban, kaya hangad niya ang panalo ng senador.
“Oh, we wish him the best of luck in the world. He is fighting someone — I have seen some of the fights of Thurman, mukhang magaling din, eh; bata pa, magaling… pero iyong ating boxer, eh, magaling din, eh,” ani Panelo.
Samantala, dahil may laban si Pacquiao bukas, Linggo, hindi ito makadadalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes. (BRT)





Comments