Mag-asawa, 3 pa tiklo sa droga

ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang mag-asawa sa Malabon City.
Sa nakarating na ulat kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, ala-1:00 ng madaling- araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni PLt. Zoilo Arquillo, kasama ang PDEA-CAMANAVA ang buy-bust operation kontra kina Annaliza Alfonso alyas Ester, 52; Anthony Danan alyas Bong, 54, kapwa listed/user at Rolly Zapanta, 47, sa Bgy. Tinajeros.
Dinamba ang mga suspek matapos iabot sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang sachet ng shabu kapalit ng P300 marked money at narekober sa mga ito ang pitong sachets ng shabu at buy-bust money.
Natimbog din nina PCpl. Ariel Ratuita at PCpl. Joel Pamittan ng PCP-2 si Grace Caasi, 39, listed/pusher at asawa nitong si Marlon Caasi, 38, listed/user, sa isinagawang Oplan Galugad/Bakal malapit sa kanilang bahay sa Bgy. Potrero, alas-5:40 ng hapon matapos makuhanan ng tatlong sachets ng hinihinalang shabu.





Comments