top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lunas sa kulugo sa ari

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2019
1 min read

Dear Doc. Shane,

Totoo bang posibleng magkaroon ng kulugo sa ari ang sinuman kapag nahawahan ito sa pakikipagtalik ng taong mayroon nito? Sa pagkakaalam ko, ang kulugo ay ‘yung tumutubo sa mukha, mga paa at daliri. Gayunman, gusto kong malaman kung paano gagamutin ang ari kapag ito ay tinubuan ng kulugo? — Lorna

Sagot

Ang pagkakaroon ng mga kulugo sa ari (genital wart) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Lumilitaw ang mga kulugong ito sa ari ng lalaki at babae at maging sa puwit ng taong nahawahan sa loob ng mahigit anim hanggang 11 buwan pagkalipas na mahawa. Ito ay dulot ng impeksiyon mula sa condylomata acuminate o human papilloma virus (HPV).

Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ang pangangati ng mga kulugong natatagpuan sa loob at labas ng ari ng lalaki at babae. Nagsisimula lamang ang kulugo bilang maliliit na butlig na lumalaking tila mga cauliflower sa paglaon.

Naililipat sa ibang tao ang mga kulugo sa ari sa pamamagitan ng pakikipagtalik, partikular na kung mayroon nang mga kulugo ang taong kasiping.

Paano ito ginagamot?

Sa ganitong uri ng sakit, binibigyang-lunas lamang ang kulugo. Hindi ginagamot ang virus sapagkat kahit na ipagamot, nagpapatuloy pa rin ang pagiging nakahahawa nito. Nangyayari ang pagkahawa at pagsalin kahit walang napapansing mga palatandaan.

Gayunman, isinasagawa ang pagsusuring pap smear o pap test para sa kababaihan. Mainam na kumonsulta sa OB-Gyne para makita ang kulugo sa ari at kung sakaling gamutin ‘yan, kailangan din magamot ang iyong karelasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page