HOROSCOPE | Hulyo 20, 2019 (Sabado)
- BULGAR

- Jul 20, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 20, 2019 (Sabado): Ibahagi mo ang mga suwerteng kaloob sa iyo ng langit. Sa ganitong paraan, mas lalo kang pagpapalain at hahaba ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya at ligaya ang regalo sa iyo. Huwag na huwag kang malibang sa pagsasaya kung saan makalilimutan mo ang iyong mga obligasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-13-25-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang tamang panahon para bigyang-pansin mo ang iyong sariling ligaya. Pansamantalang ihinto mo muna ang pagsasakripisyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-28-35-39.
GEMINI (May 21- June 20) - Suwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing, hayaan mong malamangan ka ng iyong kapwa. Paminsan-minsan, ang tao ay naiisahan ng kanyang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-21-26-34-41.
CANCER (June 21- July 22) - Ngayon ay magkakatotoo sa buhay mo ang sinasabing mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Kaya huwag kang magdamot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-14-20-23-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Muling ibinalik ng langit ang mga araw kung kailan ka mapalad. Ipinaaalala sa iyo na ang mga suwerte sa buhay ay minamahal, iniingatan at pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-28-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kalimutan mo muna ang mga problema. Mahirap man, pero kailangan mong gawin dahil ang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang isip at kalooban mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-26-31-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang sarili mo dahil malaki ang posibilidad na ang nagpapasaya sa iyo ay mapapalapit sa puso mo, pero maaaring pagsimulan ito ng magulong love life. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-25-30-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumayo ka sa maraming tao. Pangkaraniwang babala ito para makaiwas ka sa mga usong sakit. Sundin mo ito dahil ang pagsunod sa mga babala ay mas nakabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-15-24-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ikagulat kapag ang mga tao sa paligid mo ay masasaya kahit na masama ang lagay ng panahon. Simple lang ang rason, nadarama nilang susuwertehin kayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-15-20-21-22.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makatatanggap ka ng regalo sa araw na ito. Ang masayang balita ay nagsasabing, ang matatanggap mo ay magsisilbing pampasuwerte mo, kaya ingatan mo ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-17-20-25-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, pero habang kumikilos ang mga lihim at lantad mong mga kaaway, ang mga suwerte sa buhay mo ay magdaragsaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-24-33-37-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumarami ang mga bago mong kaibigan. Ang ilan sa kanila ay hindi mo mapakikinabangan, pero mas marami ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-24-29-39-41.




Comments