top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Gustong malaman ang batas kaugnay sa pambansang isport ng Pilipinas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung may Pambansang Isport ba ang Pilipinas? Kung mayroon, ano ito at may batas ba kaugnay nito? Salamat!— Arnel,

Dear Arnel,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act No. 9850 o mas kilala sa tawag na “An Act Declaring Arnis as the National Martial Art and Sport of the Philippines” kung saan ipinahayag ang arnis bilang Pambansang Martial Art at isport ng Pilipinas alinsunod sa Section 3 ng nasabing batas.

Binigyang kahulugan ng Section 2 ng nasabing batas ang arnis na katutubong martial art at isport ng mga Pilipino na nailala­rawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga paggalaw at pag-ikot na pagkilos, na sinasamahan ng pagpalo, pagtulak at pagsalag na pamamaraan para sa pagdepensa at pag-opensa. Karaniwang ginagawa ito sa paggamit ng isa o dalawang patpat o anumang katulad na mga kasangkapan o sa pamamagitan ng mga kamay at paa na ginagamit din para sa pagpalo, pagsalag at pambuno sa paggamit ng parehong prinsipyo tulad ng sa mga baston.

Samakatwid, arnis ang idineklarang Pambansang Martial Art at isport ng Pilipinas alinsunod sa nabanggit na batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page