Aktor, balik-showbiz para makalayo sa madir ng anak… IBINUKING NG DYULALAY: JOHN LLOYD AT ELLEN, PA
- BULGAR

- Jul 20, 2019
- 1 min read

We bumped into the former Girl Friday ni John Lloyd Cruz at tinanong namin siya kung bakit ‘di nagpakatotoo ang top rank actor sa statement niyang ayaw na niyang mag-showbiz.
Sa totoo lang, maraming Lloydie fanatics ang nalungkot when he said that. Isa na rito’y ang milyonarya niyang tagahangang si Urai na resident ng San Ildefonso, Bulacan.
“Ewan ko lang, ha? Ang balita ko’y madalas magkaroon ng misunderstanding ang mag-asawa. Hula ko’y nagbalik-trabaho si Lloydie para magkaroon muna sila ng space ni Ellen. Mahirap talaga ‘yung laging magkadikit ang isang couple,” our informant said.
Does it mean ‘di na happy si Lloydie sa piling ng sexy wife?
“Ay, ‘di ko alam talaga, mahirap mag-comment. Baka mapagbintangan akong nagkakalat ng fake news,” sabi ng aming kausap.
Bow na lang kami. Wa’ na sey!





Comments