top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Preparasyon, hinangaan ng mga dayuhan | 30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES SA ‘PINAS, KASADO NA

  • Mylene Alfonso
  • Jul 19, 2019
  • 2 min read

NAMANGHA ang mga Chefs de Mission (CDM) na bumisita sa Pilipinas sa progreso sa maayos na paghahanda na ginagawa ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) para sa 30th Southeast Asian Games.

Sa pangalawang pagkakataon, ang mga pinuno ng delegasyon mula sa Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Vietnam, Singapore, Thailand at Timor Lester na dumalo sa Chefs de mission meeting sa Maynila para makakuha ng first-hand information sa estado ng paghahanda ng Pilipinas sa SEA Games ay natuwa sa paghahanda ng PHISGOC.

Ayon kay Cambodian CDM Sokvisal Nhan, nais niyang gayahin ang paghahanda ng Pilipinas sa gaganaping SEA Games sa Cambodia sa 2023.

Lahat ng Chefs de Mission ay nagbigay ng tiwala at kumpiyansa na ang SEA Games sa pangunguna ng PHISGOC ay magiging matagumpay sa kabila ng pagpalit ng liderato sa Philippine Olympic Committee at mga alegasyon ng iregularidad.

Ayon kay Harry Warganegara ng Indonesia, ibibigay niya ang buong pagtitiwala kay PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara.

Ayon naman kay CDM Senator Datuk Megat Zulkarnain Omardin ng Malaysia, pinuri niya ang Pilipinas sa maayos na paghahanda ng SEA Games at nakita niya na ang preparasyon sa bansa ay 75% nang kumpleto.

Nakita rin ng mga delegado ang world-class facilities sa New Clark City Complex na magho-host ng Athletics at Aquatics events. Binista rin nila ang 51,000-seater na Philippine Arena kung saan gaganapin ang opening ceremony.

Sa kabila ng limitadong oras at resources, ang PHISGOC, sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee at ibang government agencies pati na rin ang pribadong sektor partners ay matagumpay na nailatag ang pagsasaayos ng paghahanda sa pinakamalaking Southeast Asian Games sa history ng bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page