top of page
Pokwang.jpg

MAY LALAKING HUMAHABOL PARA MAGPAKASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Wendy ng Wendy_Ceballos@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang kahulugan ng panaginip ko na may lalaki na humahabol sa akin?

May panaginip din akong naglalakad ako papunta sa malaking tulay na may ilog na malinaw, tapos, ‘yung lalaki ay sumisigaw ng mahal na mahal niya ako at nakikita ko raw siya sa ilalim ng tulay.

Sinagot ko raw siya, tapos, may mga tao at sinabi nila sa akin na ru’n daw ako magpapakasal, kasama ang mama ko at mga kaibigan ko.

Sabi ng mama ko, gusto ko raw ba na may bulaklak na kulay dilaw, ang sabi ko raw ay oo at saka umiiyak daw ako sa saya.

Naghihintay,

Wendy

Sa iyo Wendy,

Ang panaginip na may humahabol ay pagliligawan na mauuwi sa pag-aasawa.

Alam mo, iha, minsan, mahirap maunawaan ang mga kahulugan ng panaginip dahil nakatago ang mga ito sa malalalim na karunungan.

Dahil ang ating pinag-uusapan ngayon ay lovelife o pag-aasawa, gusto naming ibahagi sa iyo ang lihim na karunungan mula mismo sa sikat na aklat na kung tawagin ay Kama Sutra.

Maaaring biglang lumaki ang iyong mga mata dahil ang Kama Sutra ay inaakala ng maraming tao na aklat tungkol sa sex. Mali ang akala ng mga tao dahil isang bahagi lang ng Kama Sutra ang patungkol sa sex.

Ang Kama Sutra, iha, ay mga kaalaman sa love, romance, marriage at sex. Inilalarawan ng Kama Sutra ang paglili­gawang mauuwi sa mar­riage gamit ang mga sali­tang “chasing the sparrow” na sa Tagalog, “paghahabol sa ibon na maya”.

Ang “maya” ay ang ibon na sa la­hat ng lugar ay nakikita natin.

Hinahabol ka sa pana­ginip mo ng lalaki, ‘di ba? Kaya ito na mismo ang si­nasabing “chasing the spar­row.”

Mag-aasawa ka na ba? Oo dahil ang isa pang pa­naginip mo ay direktang tumutukoy sa pagpapaka­sal.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page